Home / News / DAILY HOROSCOPE: NOVEMBER 5, 2018 – MONDAY

DAILY HOROSCOPE: NOVEMBER 5, 2018 – MONDAY

DAILY HOROSCOPE: NOVEMBER 5, 2018 – MONDAY Aries (Mar 21 – Apr 19)
Para makuha mo ang loob ng isang tao, kailangan ay handa kang gawin kung ano ang kanyang nais o gusto.
Love:
Couples: Kung kakaiba ang kinikilos ng iyong partner, ipaalam mo ito sa kanya para malaman mo kung meron siyang binabalak.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na may matanggap ka na regalo mula sa isang tao ngayong araw.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 13

Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag kang matakot na gawin ang isang bagay ngayong araw, lalo na kung merong tao na gagabay naman sa iyo.
Love:
Couples: Para mas mabilis mawala ang iyong problema, subukan mong i-share ito sa iyong partner at baka makaisip siya agad ng solusyon para rito.
Money/Career:
Mukhang kailangan mo muna ng break, lalo na kung palagi ka na lamang puyat sa mga nagdaang araw.
Lucky color: Pink
Lucky number: 28

Gemini (May 21 – Jun 20)
Bago ka pumayag sa isang bagay, magdalawang-isip ka muna at baka dinadamay ka lang niya sa kanyang problema.
Love:
Couples: May malaking chance na makatanggap ka ng regalo mula sa iyong partner ngayong araw.
Money/Career:
Huwag mong maliitin ang iyong mga problema. Solusyunan mo agad ang mga ito para hindi na lumala pa ang mga ito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 22

Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magaling ka naman mag-isip, pero mukhang may malaking chance na tamarin ka na i-execute ang mga ito.
Love:
Couples: May malalaman kang bago tungkol sa iyong partner at maaari mo itong gamitin para ipang-asar sa kanya.
Money/Career:
May malaking chance na may matanggap kang pera mula sa iyong kaibigan ngayong araw.
Lucky color: Red
Lucky number: 21

Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka mangako basta-basta sa ibang tao, lalo na kung hindi ka naman confident na kaya mo itong tuparin.
Love:
Singles: Magrelax ka lang. Huwag mo na i-stress ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo dapat pinoproblema.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa real estate ang trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 14

Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maging honest ka na lamang sa iyong sarili. Huwag mo na gawin ang isang bagay lalo na kung napipilitan ka lang naman.
Love:
Couples: Habaan mo na lamang ang pasensiya mo sa iyong partner. May mga araw talaga na bigla na lang siyang totopakin.
Money/Career:
Huwag ka na makisali pa sa problema ng ibang tao para hindi ka na madamay pa rito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 18

Libra (Sep 23 – Oct 22)
Gawin mong challenging ang araw na ito para sa iyo. Subukan mong subukan ang isang bagay na matagal mo na gustong gawin.
Love:
Couples: Mag-ingat ka sa paggawa ng desisyon ngayong araw, lalo na kung ayaw mong magalit sa iyo ang iyong partner.
Money/Career:
Lumayo ka na lang sa mga taong walang ginawa kundi maliitin ang efforts na ibinibigay mo.
Lucky color: Black
Lucky number: 14

Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Subukan mong diskartehan ang isang bagay, lalo na kung feeling mo ay may magagawa ka pang paraan para mapaganda ito.
Love:
Couples: Kung hindi ka magiging honest sa iyong partner, mapapansin niya ang awkwardness sa iyong mukha.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa education ang trabaho.
Lucky color: Violet
Lucky number: 15

Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Gawan mo na agad ng paraan ang isang bagay, lalo na kung ayaw mong lumala pa ito. Mag-isip ka na agad ng solusyon para rito.
Love:
Couples: Kung nagtatampo sa iyo ang iyong partner, subukan mong lutuin ang kanyang favorite na ulam.
Money/Career:
Kung malakas ang kutob mo tungkol sa isang bagay, gawin mo ang nararapat para naman wala kang pagsisihan.
Lucky color: Purple
Lucky number: 20

Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mo iasa sa ibang tao ang iyong mga gawain. Hindi ka mag-iimprove kung palagi mo itong gagawin.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago tungkol sa iyong partner at maaari mo itong gamitin para lalo mo pa siyang maintindihan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa cosmetics ang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 29

Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang marami kang matatapos na mga bagay ngayong araw, dahil may malaking chance na maging inspired ka.
Love:
Couples: Huwag ka na masyadong mag-alala sa iyong partner. Tiyak naman na alam niya kung ano ang kanyang ginagawa.
Money/Career:
Kung masama ang iyong pakiramdam, mas mabuting inuman mo agad ito ng gamot para hindi na ito lumala pa.
Lucky color: Purple
Lucky number: 12

Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka muna masyadong ma-excite tungkol sa isang bagay, dahil may chance na hindi ito matuloy.
Love:
Couples: Huwag mo ibaling ang galit mo sa iyong partner. Tiyak na hindi mo magugustuhan kapag tinopak siya nang dahil sa iyo.
Money/Career:
Mukhang mapapagastos ka na naman ngayong araw, kaya mapipilitan kang mangutang sa ibang tao lalo na kung kakapusin ka.
Lucky color: Grey
Lucky number: 25

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *